Dua Lipa at Roger Federer, magiging co-chairs sa Met Gala 2023

Dua Lipa at Roger Federer, magiging co-chairs sa Met Gala 2023

INANUNSYO na ng Vogue, ang American monthly fashion and lifestyle magazine kung sino ang personalities na magiging co-chair para sa Met Gala 2023.

Maliban sa kanilang editor-in-chief na si Anna Wintour ay magiging co-chair ang pop singer na si Dua Lipa, Black Panther Star Michaela Coel, Oscar-Winning Actress Penelope Cruz at Swiss Tennis Champion Roger Federer.

Isasagawa ang Met Gala ngayong taon sa Mayo 1 at itatampok sa exhibit dito ang mahigit 150 masterpieces mula 1950’s hanggang 2019 ng sikat na German fashion designer na si Karl Lagerfeld.

Ang perang nalilikom mula sa annual na pagsasagawa ng Met Gala ay inilalaan para sa Metropolitan Museum of Art’s Costume Institute.

Follow SMNI NEWS in Twitter