Dubai Airport, kabilang sa sampung pinaka-busy na int’l route sa mundo

Dubai Airport, kabilang sa sampung pinaka-busy na int’l route sa mundo

KABILANG sa top 5 ng sampung pinaka-busy na international routes sa mundo ang Dubai International Airport para sa 2022.

Ang ranking na ito ay inilabas ng Official Airline Guide, isang global database para sa flights, airports at airlines.

Ang Dubai Riyadh route ay nananatiling ikalawang pinaka-busy na ruta sa mundo kung saan mayroon itong 40 flights bawat araw at umabot sa higit 3 milyong ticket ang naibenta noong nakaraang taon.

Ito ay sinundan ng Dubai-London Heathrow bilang ikaapat at Dubai-Jeddah bilang ikaanim na pinaka-busy na ruta sa mundo.

Samantala, ang Mumbai-Dubai ang ikawalo na pinaka-busy na ruta habang ang Delhi Dubai naman ang ikasampu.

Ang datos na ito ay base sa flight frequency at mga ticket na naipagbenta sa pagitan ng Oktubre 2021 at Setyembre 2022.

Bumagsak man sa ikalawang pwesto, ang Dubai ay tumanggap ng milyun-milyong pasahero sa loob lamang ng isang taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter