Dubai foundation, gumastos ng Dh2.3-B para sa pagtulong sa pandemya

Dubai foundation, gumastos ng Dh2.3-B para sa pagtulong sa pandemya

ISANG philanthropic foundation na nakabase sa Dubai ang gumastos ng halagang 2.3 bilyong dirhams sa unang dalawang taon ng pandemya.

Taong 2021, ang Mohammes Bin Rashid Al Maktoum Global Initiatives ay gumastos ng higit isang bilyong dirhams upang tulungan ang 91 milyong katao sa 97 bansa.

Pagkatapos nito, pinalawak ng foundation ang relief at community initiatives nito sa 15 bansa at gumastos ng higit 2 bilyong dirhams sa unang dalawang taon ng pandemya.

Ang inisyatibong ito ay inilunsad ng Dubai based foundation sa kasagsagan ng pandemya kung saan lumabas na ito ang pinakamalaking regional system para sa humanitarian relief development at community work.

Ang halagang ito ay inanunsyo noong nagdaos ng special meeting na pinangunahan naman ng ruler ng Dubai kamakailan lamang.

Ayon kay Vice President and Ruler of Dubai Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum ng UAE, bilang isang bansa ay maraming programa at inisyatibo na nailunsad sa tulong ng 145 libong volunteers.

Pinuri naman ng crown prince ng Dubai ang relief na pinangunahan ng foundation at sinabing ito ay sumisimbulo sa commitment ng UAE sa bawat tao sa mundo.

Ayon sa mga ulat, ang Dubai based foundation na ito ay nanalo ng maraming nominasyon at awards dahil sa kabutihan nito noong pandemya.

Follow SMNI NEWS in Twitter