Dubai, magho-host ng Ultra Kabaddi League

Dubai, magho-host ng Ultra Kabaddi League

ISANG popular na laro sa India na tinatawag na Kabaddi ang magsasagawa ng tournament nito sa Dubai kung saan inaasahang 10 bansa ang maglalaban-laban.

Inanunsyo ng Dubai Sports Council na magho-host ito ng Ultra Kabaddi League na isasagawa sa unang pagkakataon sa bansa.

Ang mga kompetisyon ay isasagawa sa sports hall ng Al Ahly Youth Club sa Al-Mamzar mula Hunyo 4 – 24.

Inaasahan na 112 manlalaro mula sa 10 mga bansa ang bubuo ng 8 team at maglalaban sa 32 match.

Matatandaan na ang Kabaddi ay isang sikat na laro sa India na nilaro pa ng mga warrior sa kanilang training sa ancient India.

Ang laro ay naging sikat sa Indian Subcontinent sa loob ng 4 na libong taon at sinasabing na-develop sa ilalim ng Vedic Civilization.

Nilalaro ang Kabaddi ng 7 player at layon ng mga manlalaro nito na mahawakan ang mga kalaban sa kabilang court at bumalik sa pwesto nito nang hindi inaatake ng kalaban sa loob ng 30 segundo.

Ang mga manlalaro ay tatanggalin sa laro kung sila ay nahawakan o naapakan pero maaaring makabalik sa pamamagitan ng iskor na mabubuo ng team nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter