Dubai, maglulunsad ng self-driving taxis

Dubai, maglulunsad ng self-driving taxis

INIHAHANDA na ng Dubai ang paglulunsad ng unang fleet ng self-driving taxis nito sa taong 2023.

Una na itong inanunsyo ni Vice President Sheikh Mohammed Bin Rashid noong Mayo at inihayag na posibleng 25 porsiyento ng pagbibiyahe sa Dubai ay magiging driverless na.

Noong buwan ng Hunyo inanunsyo ng Dubai Municipality na ang Department of Geographical Information Systems nito ay gumagawa na ng high resolution maps na ginagamit sa self-driving vehicles.

Ang mapa na ito ay gagamitin umano ng mga kumpanya upang maging solusyon para sa self-driving vehicles.

Samantala, ang lahat ng self-driving vehicles ay nakalinya sa nais ng UAE na maabot ang net zero carbon emission sa emirata.

Follow SMNI NEWS in Twitter