ITATAYO sa Dubai ang isang Moon Resort na posibleng pinakamalaki at magiging isang matagumpay na tourism project sa Middle East at North Africa Region.
Plano ng Canadian company na Moon World Resorts na magtayo ng serye ng gigantic dome like hotel na kahawig ng buwan at matatagpuan sa Middle East at North Africa Region, Europa, North America at Asya.
Sa Mena Region ng Dubai ang napiling lugar na pagtatayuan ng maambisyon na hotel na ito.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng limang bilyong dolyar sa pagtatayo at kayang mag-accommodate ng sampung milyong bisita bawat taon.
Bawat moon installation ay posibleng maitayo ng 735 pulgada ang taas kung saan magkakaroon ito ng lunar colony, crater at iba pang lunar texture.
Bilang parte ng main attraction nito, plano ng hotel na magkaroon ng low-gravity walking experience kung saan mararamdaman ng mga hotel guest na naglalakad ito sa totoong buwan sa kalawakan.
Ang loob ng hotel ay magkakaroon ng apat na libong luxury resort suites, wellness spa, nightclub, piano lounge, space themed attractions at tatlundaang pribadong residensya na available na para bilihin.
Ang konstruksyon ng proyekto ay tatagal ng apatnapu’t walong buwan at ang kauna-unahang Moon World Resort ay inaasahang magbubukas sa taong 2027.