Dubai Media Council, naglunsad ng ‘One Media Dubai’ one-stop-shop

Dubai Media Council, naglunsad ng ‘One Media Dubai’ one-stop-shop

INILUNSAD ng Dubai Media Council ang One Media Dubai, isang one-stop shop para sa mga emirati, Arab at foreign media professionals at mga organisasyon na makakuha ng eksklusibong serbisyo sa emirate.

Ito ay inilusand na may pakikipag-ugnayan sa ilang government agencies at non-government agencies sa emirate.

Ipinag-utos ni Sheikh Ahmed Bin Mohammed Bin Rashid Al Maktoum, chairman ng Dubai Media Council sa Dubai Press Club na pangunahan ang implementasyon ng inisyatibong ito.

Kaugnay nito ay pinuri din nito ang Dubai Press Club para sa role nito sa pagpapaunlad ng media industry ng UAE sa nakalipas na 20 taon.

Ang paglulunsad ng One Media Dubai ay nakalinya sa direktiba ng chairman ng Dubai Media Council na suportahan ang mga propesyonal na nagtatrabaho sa local, regional at international media institutions.

Kabilang naman sa serbisyo na iniaalok sa One Media Dubai ay media at commercial licensing, office leasing, visa at immigration, banking, tourism and hospitality, education consulting, residential real estate at telecom services.

Follow SMNI NEWS in Twitter