Dubai, pinarangalan ng Expo Medals ang 40,000 Emiratis

Dubai, pinarangalan ng Expo Medals ang 40,000 Emiratis

BINIGYANG parangal ng Dubai ang libu-libong Emiratis dahil sa kanilang ambag sa tagumpay ng Expo 2020.

Kabilang sa pinarangalan ni United Arab Emirates Vice President at Dubai Ruler Sheikh Mohamed Bin Rashid Al Maktoum ang mga sibilyan at military personnel kasabay ng tagumpay ng global event na ginanap sa UAE.

‘’We have granted the ‘Expo 2020 Dubai Medal’ to 40,000 Emiratis, including civilian and military personnel who played a key role in the success of the global event hosted by the UAE. The global experience that our national cadres have acquired has been one of the greatest gains of Expo 2020 Dubai,’’ ayon kay Sheikh Mohamed Bin Rashid Al Maktoum.

Pinuri ni Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum ang UAE para sa abilidad nito na pahangain ang mundo dahil sa paglalaan ng oportunidad para mga manggagawa na kasali sa Expo 2020.

Binigyang puri din nito ang mga namamahala sa event para sa pagkakaroon ng ligtas na pasyalan para sa lahat sa kabila ng banta ng pandemya.

Ang Expo 2020 Dubai ang kauna-unahang Expo na nag-host ang isang arabong bansa at unang beses din ito na ginanap sa Middle East, Africa, at South Asia o MEASA Region.

Ang 6 na buwang event na ito ay nilahukan ng 192 bansa at nakapaghikayat ng higit 24 na milyong bisita sa mundo.

Ngayong buwan lamang ay inamyendahan ni Sheikh Mohammed ang isang batas na pumapayag sa pagbibigay ng prestihiyosong medalya sa mga military personnel at sibilyan na may katangi-tanging ambag sa tagumpay ng nasabing global event.

Follow SMNI NEWS in Twitter