Dumaguete, ‘area of most serious concern’ sa labas ng NCR — OCTA

Dumaguete, ‘area of most serious concern’ sa labas ng NCR — OCTA

KINILALA ng OCTA Research Group ang Dumaguete City bilang “area of most serious concern” sa labas ng NCR Plus.

Ayon sa OCTA, may 129% growth rate sa COVID-19 cases ang naturang lungsod sa loob lamang ng isang linggo.

Nasa 95 kada araw ang panibagong kaso sa Dumaguete mula Hunyo 7 hanggang Hunyo 13, mahigit doble ito sa 42 average nila noong nagdaang linggo.

Ang average daily attack rate (ADAR) ng Dumaguete o ang bilang ng mga taong nahahawaan ng isang positibong indibidwal ay 70 per 100,000.

Saad ng OCTA, nasa kategorya ito na “extremely high risk”.

Kinilala naman ng grupo bilang areas of concern ang Iloilo City, Butuan, Tacloban, Polomolok sa South Cotabato dahil sa tumataas na kaso, hospital occupancy at ADAR.

Ang Tagum City, Davao del Norte, Legazpi City, at Tagbilaran City naman ay nasa kategoryang “emerging hotspots” dahil sa mataas na one-week growth rate o mataas na ADAR.

Dagdag ng OCTA, nasa critical level na o halos 85% ng okupado ang intensive care unit (ICU) ng Davao, Iloilo, General Santos City, Tuguegarao at Koronadal.

Kinakailangan ang mas istriktong quarantine classification sa mga tinaguriang hotspots ani OCTA Fellow Ranjit Rye para mapabagal ang hawaan.

Dagdag ni Rye kailangan rin na mapanatili ang General Community Quarantine status sa NCR.

SMNI NEWS