Duque, aapela sa pangulo na payagang dumalo ang mga gabinete sa pagdinig sa senado

Duque, aapela sa pangulo na payagang dumalo ang mga gabinete sa pagdinig sa senado

IREREKOMENDA ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagang dumalo ang mga cabinet official sa imbestigasyon ng senado kung hindi ito magiging madalas.

Aniya kung isa o hanggang dalawang beses lamang sa isang linggo ang pagdinig ng senado. imumungkahi niya ito sa pangulo.

Matatandaang sa senate hearing noong Miyerkules sinabi ni Duque na suportado niya ang petisyon ng mga grupo ng medical workers na ihinto ang pagbabawal sa mga public official sa pagharap sa pagdinig.

Ani Duque nakikiisa siya sa panagawang ito para sa hangaring matamo ang katotohanan.

Ipinunto naman ng health official na walang absent ang kanyang departmento sa mga pagdinig ng Kongreso ukol sa paggamit ng pandemic funds.

Iminungkahi ni Duque sa Senate Blue Ribbon Committee na magkaroon ng “reasonable adjustment” sa schedule para makadalo ang mga cabinet official sa imbestigasyon at maggagaw rin nila ang kanilang mga tungkulin.

Matatandaang ipinag-utos ng pangulo sa mga miyembro ng gabinete na huwag humarap sa mga pagdinig dahil naapektuhan na ang kanilang mga trabaho sa paggugol ng mahabang oras dito.

Ginawang pormal ni Duterte ang kanyang utos matapos itong mag-isyu ng Memorandum Order.

Sa pagdinig noong October 5, hindi dumalo si Duque at iba pang health officials kasunod ng inilabas na memorandum ng pangulo.

SMNI NEWS