Duque, nagpaalala sa publiko na hindi dapat magkumpyansa laban sa COVID-19

Duque, nagpaalala sa publiko na hindi dapat magkumpyansa laban sa COVID-19

HINDI pa rin dapat magkumpyansa ang publiko.

Ito ay kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, matapos nagsimula na namang magkumpol-kumpol ang mga tao ngayong lumuluwag na ang quarantine restrictions sa Metro Manila.

Kasunod ito sa napaulat na pagdagsa ng maraming tao sa Manila Baywalk Dolomite Beach nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Duque, posibleng maging sanhi ito ng pagkakaroon ng bagong wave ng COVID-19 cases sa susunod na apat hanggang anim na buwan.

Tiniyak naman ni Duque na sakaling magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ay malaki ang tsansang isasailalim sa Alert Level 02 o Alert Level 01 ang Metro Manila.

Nilinaw ni Duque na sa kasalukuyan, bumababa na ang COVID-19 cases lalong-lalo na sa Metro Manila pero hindi pa rin dapat magkumpyansa ang publiko.

SMNI NEWS