Durian at iba pang prutas galing Davao City, pinagkaguluhan sa Binondo, Maynila

Durian at iba pang prutas galing Davao City, pinagkaguluhan sa Binondo, Maynila

DINAGSA ang bahagi ng Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila nitong weekend.

Ang dahilan? Dahil sa mga bentang prutas galing Davao City!

Ito ang Manila-Davao-Durian and Fruits Expo kung saan tampok ang mga export quality na durian mula Dabaw.

Tampok din dito ang mga suha, lansones, at mangosteen.

Sinadya itong dalhin ng mga Chinese-business community sa Davao sa Maynila.

Para makahikayat ng mas maraming buyer at makatulong sa local economy.

“This is Binondo Chinese Community, parang heart, parang sentro. So, you see grabe mabilis maubos ang durian. Iba’-iba pang prutas. Sa amin kasi, gusto kami hanap more marketing. More way to sell mga prutas and suporta mga farmers,” pahayag ni John Tan, CEO, Eng Seng Food Products.

Isa ang kompanya ni Mr. Tan sa nagi-export ng durian pa China.

Aniya, nasa P300-P350 per kilo ang bentahan ng durian doon.

“Very successful. So now, target naming every week maka 15 container vans kami every week,” dagdag ni Tan.

Para sa local farmers, malaking tulong ang durian farming lalo na sa mga mahihirap pero maluwag ang kalupaan.

Durian farmer: Milyun-milyon ang kita sa pagtatanim ng durian

“‘Yung isang ektarya na merong about 50 to 100 trees ng durian is earning about P500,000—P1.2 million per year! So anlaking tulong niya no? Sa amin lang halos sa farmers ng Yovel sa company namin, andaming farmers namin na naging milyonaryo because of durian,” wika ni James Amparo, Founder and President, Yovel East Agriventure.

January 2023 nang lumagda ang China at Pilipinas sa isang kasunduan para sa exportation ng durian.

Sa tantiya ng gobyerno, nasa 50,000 metric tons na ang durian na naibebenta sa China.

“Naalala ko noon eh, noong nag-start ang export natin ng durian no ang farm gate price is about P10/kilo. Noong pumasok ang Malaysia, it’s about P20-P30/kilo. Noong pumasok ang China umabot tayo ngayon ng  P80, P100 up to P150 per kilo,” ayon pa kay Amparo.

Ani Amparo, mas masarap ang Philippine durian kumpara sa mga variety mula sa mga karatig bansa sa Asya.

At, mura lamang itong ibinibenta sa ibang bansa.

Bagay na dapat raw sana tututukan ng pamahalaan.

“Were only exporting around .02 to 03%. Not even 1% ha? So, imagine mo ang laki pa ng potential na meron tayo para mag-expand ang durian market natin to China,” ani Amparo.

Dahil sa taas ng demand, hinihimok ang iba pang mga kababayan lalo na sa Mindanao na magtanim ng durian.

Sa ganitong klase kasi ng negosyo, laging winner ang mga Pilipino.

“Mas mahal ‘yung frozen durian. Meron ngayon lang sa fresh durian ang laking bagay na. Sobra, kaya ini-encourage namin mga farmers namin… We’re expanding now, we’re putting another 500 to 1,000 hectares of durian farm specifically to our China market,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble