Duterte, binanggit na ang mga pangalan ng mga napupusuang senador sa exclusive interview ng SMNI

Duterte, binanggit na ang mga pangalan ng mga napupusuang senador sa exclusive interview ng SMNI

BINANGGIT na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga napupusuan nito na mga personalidad para maupo bilang senador.

Ayon kay Pangulong Duterte sa exclusive interview ni Pastor Apollo C. Quiboloy, marami sa mga senador ang dapat mapalitan kagaya ni Sen. Dick Gordon.

Aniya, mas mainam na maglagay na naman sa Senado ng mga bagong mukha.

Kabilang sa mga napupusuan at hinahangaan ni Pangulong Duterte ang pagiging matapat at mabuti ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

Ani Pangulong Duterte, nakita niya kung paano nanindigan si Marcoleta sa katarungan at katotohanan sa isyu ng ABS-CBN.

“As a matter of fact, may mga kandidatong ako talaga ang lumapit. Kagaya ni Rodante Marcoleta. Hindi naman kami kilala kasi hindi naman kami nag abot sa Congress noong congressman ako. But I have really studied the persona of the person. And nakikita ko, he’s very uncompromising and he looks at the world in black and white. Ano ba ito, tama o mali? Hanggang dyan lang. And I think we would be extremely lucky if we have him in the Senate,’’ ayon kay Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, ang kanyang pipiliin para sa senador ay MPP-LBP, ito ay sina Marcoleta, Padilla, Panelo, Langit, Belgica at Pimentel.

Saad ni Pangulong Duterte, natutuwa siya sa kababaang loob ni former Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

“Sal Panelo, ganon lang yan, Sal huwag kang magalit , ganun talaga yan magdamit. Yung mga pantalon niya may butas, naga boots sa Hong Kong nagsama na kami, ganun talaga yung estilo niya, he wants to remain young. At kung ganon lang naman ma ano mo sa tao, na magdamit, ganon din kasi yan minsan. Minsan magsuot ng pula, minsan magsuot ng barong walang tshirt sa loob pero matagal ko nang kilala as a matter of fact he was one of those who wrote a column about me predicting that I will become President one day. I don’t know how he fathom it kung saan-saan niya dinukot yun pero naging Presidente talaga ako,” saad ni Pangulong Duterte.

Naniniwala rin si Pangulong Duterte sa katalinuhan at kakayahan nina Robin Padilla, Rey Langit, Greco Belgica at Astra Pimentel.

Kaya nakikiusap si Pangulong Dutere sa mga Pilipino na huwag kalimutang iboto ang mga kandidatong ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter