Duterte, hindi papayagan mag-operate ang ABS-CBN kahit bibigyan ng prangkisa ng Kamara

TINITIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagang mag-operate ang ABS-CBN kahit na makakakuha pa ito ng prangkisa mula sa Kamara.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat bayaran muna ng Pamilya Lopez ang kanilang mga utang sa gobyerno.

Paglilinaw ni Duterte, hindi ito mabibigyan ng permit to operate ng National Telecommunication.

Matatandaang, tigil-operasyon ang ABS-CBN matapos bigong makakuha ng panibagong prangkisa sa Kamara noong May 2020.

Samantala, noon namang nakaraang buwan, naghain ng panukala si Sen. Vicente “Tito” Sotto III na ibalik ang payagan muli ang ABS-CBN na mag-operate.

SMNI NEWS