Duterte, hinikayat ang collaboration ng APAC upang mapaunlad ang serbisyo sa tubig

Duterte, hinikayat ang collaboration ng APAC upang mapaunlad ang serbisyo sa tubig

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang collaboration ng Asia Pacific (APAC) nations upang mapaunlad ang serbisyo sa tubig hanggang 2050 sa rehiyon.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa isang virtual meeting ng Asia-Pacific Water Summit sa Japan.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, nakikita ng Pilipinas ang malaking hamon para matiyak ang universal access para sa ligtas, affordable at accessible na tubig.

Magugunitang noong 2019, binantaan ni Pangulong Duterte ang mga water service concessionaires na Maynilad Water Service Inc. at Manila Water Company Inc. dahil sa kakulangan ng water supply sa Metro Manila noong taong nabanggit.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang utos ni Duterte ang naging dahilan para kanselahin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang extension ng concession agreements sa dalawang kompanya.

Una nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na magbibigay ng 25-taon na franchise para mag-operate ang dalawang kompanya ngunit dapat mag-sumite ng plano para maabot ang 100% water sewerage at sanitation coverage sa 2037.

Follow SMNI NEWS in Twitter