Duterte, ipinaaresto ang mga indibidwal na hindi maayos ang pagsusuot ng facemask

Duterte, ipinaaresto ang mga indibidwal na hindi maayos ang pagsusuot ng facemask

IPINAARESTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga pulis ang mga indibidwal na hindi maayos ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa pangulo, ang pagsusuot ng face masks ay “critical need” para makontrol ang bilang ng COVID-19 infections sa bansa.

Sa utos ng pangulo, aarestuhin at ididetine ang mga lalabag habang ito ay iniimbestigahan.

Paliwanag ng Punong Ehekutibo, kailangan na maging istrikto sa pagpapatupad ng minimum health protocols dahil kapos na ang pondo ng gobyerno para sa pangangailangan ng mga apektado ng pandemya.

Binanggit pa nito na marami na ang namatay dahil sa COVID-19 at puno pa rin ang mga ospital ng mga pasyente.

(BASAHIN: Swab test ang multa sa mahuhuling hindi magsusuot ng face mask sa Navotas)

SMNI NEWS