NAIS bumili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng anim hanggang pitong bagong helicopters para sa Philippine Air Force (PAF).
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa regular press briefing ng Malakañang.
Ito ang naging plano ng pangulo matapos bumagsak ang sinasakyang UH1H helicopter ng pitong sundalo sa Bukidnon na dahilan nang kanilang pagkakasawi.
“Nagpahayag ang commander in chief na gusto niyang bumili ng anim hanggang pitong helicopters para sa ating hukbong himpapawid,” pahayag ni Roque.
Ito ay inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa kuta Heneral Bautista headquarters sa Jolo, Sulu noong Enero 22.
Bukod rito, pinarangalan ni Pangulong Duterte ng 23 mga sundalo ng order of Lapu-Lapu with the rank of Kamagi bilang pagkilala sa mga kabayanihan nito.
Nangako rin ang pangulo na kabilang sa unang babakunahan laban sa COVID-19 ang pamilya ng mga uniformed personnel.