Duterte, nanawagan sa medical frontliners na habaan ang pasensya

Duterte, nanawagan sa medical frontliners na habaan ang pasensya

WoodProfit

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga medical frontliners na habaan pa ng mga ito ang kanilang pasensya.

Kaugnay ito sa panawagan ng mga doktor at nurse na ibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) status ang Metro Manila.

Ayon sa pangulo, wala naman aniyang ibang matatakbuhan ang taumbayan kundi ang mga eksperto lang sa larangan ng medisina.

Huwag naman sana ani Pangulo na hahantong sa tigil-trabaho ang mga frontliners.

Muling nilinaw ni Duterte na first time itong nangyari sa buong mundo at lahat aniya ay nangangapa kung paano solusyonan ang pandemya.

Samantala, handa namang respetuhin ng Pangulo ang maaaring desisyon ng mga medical frontliners.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.