Duterte, pagtutuunan ng pansin ang pagbuwag ng katiwalian sa PhilHealth

Duterte, pagtutuunan ng pansin ang pagbuwag ng katiwalian sa PhilHealth

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isa sa pagtutuunan niya ng pansin sa nalalabing dalawang taon sa panunungkulan ay ang pag-alis ng mga kurakot na opisyal sa PhilHealth.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa pakikipag-pulong nito kasama ang mga Inter-Agency Task Force for the Management of the Infectious Diseases sa Davao City.

“One the thing, few things that I can do in the remaining 2 years of my term, uubusin ko ito, ‘yong panahon ko to work on the cases for people who are involve in the PhilHealth.”

                  — President Rodrigo Duterte

Kaugnay nito, planong pag-ibayuhin ng PhilHealth Task Force ang pag-iimbestiga sa lahat ng maaaring angulo sa isyu ng ahensiya.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sisiguraduhin nitong maisailalaim sa lifestyle check ang ilang key officials ng PhilHealth.

“We are also conducting lifestyle checks of certain key officials of PhilHealth so that we can relate, we can connect the irregularities that we uncover during the investigation with the lifestyle of these people. So there might be a reinforcing effect if we see that these guys are probably involved in this particular irregularity in making money and its being shown in their lifestyle.”

               — Menardo Guevarra, Department of Justice

Dagdag pa ni Guevarra, pabibilisan din nito ang pag-iimbestiga ng special audits o pagreresolba ng pending cases kaugnay sa ilang PhilHealth officials.

Matatandaang 13 na ang suspendido na key officials dahil sa mga kaso na inihain laban sa kanila bago pa man nabuo ang PhilHealth Task Force.

Tiniyak naman ni Guevarra na mapapanagot sa lalong madaling panahon ang mga salarin ng nasabing corruption anomaly sa PhilHealth.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.