Duterte, pinatunayang nasa Pilipinas taliwas sa balitang lumabas ito ng bansa

Duterte, pinatunayang nasa Pilipinas taliwas sa balitang lumabas ito ng bansa

PINATUNAYAN ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi totoo ang mga kumakalat na usap-usapang lumabas ang pangulo sa Pilipinas nitong nagdaang linggo.

Sa isang larawan na kuha ni Sen. Bong Go, makikitang kumakain ang pangulo kasama ang kanyang pamilya.

Hawak naman ng butihing may bahay ng pangulo ang isang pahayagang magpapatunay na ang larawan ay kuha ngayong araw.

Una nang pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang umano’y paglabas sa bansa ng pangulo.

Iginiit ng Palasyo na tinututukan ng Pangulo ang sitwasyon ng pandemyang COVID-19 sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.