Duterte, pinuri ni dating Pang. Gloria Arroyo sa aksyon nito sa COVID-19

Duterte, pinuri ni dating Pang. Gloria Arroyo sa aksyon nito sa COVID-19

PINURI ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mabilis na aksyon nito sa COVID-19 outbreak sa bansa sa kabila ito ng mga kritisismong binabato sa Pangulo.

 

Ayon kay Arroyo, mataas ang kanyang respeto sa lahat ng opisyal ng gobyerno na ngayon ay nakikipaglaban sa COVID-19 at sa mga frontliners na inaalay ang kanilang buhay.

 

Tiwala rin si Arroyo na kakayanin ng Pangulo na makaisip kaagad ng remedial measures sakaling may mangyari muli sa health sector.

 

Dagdag pa ng dating pangulo, madaling pumuna pero kapag ikaw na ang nasa aktwal na sitwasyon ay ibang-iba na ang magiging pananaw.

 

Si Arroyo ang pangulo ng bansa noong outbreak ng SARS noong 2003, bird flu noong 2006, at swine flu noong 2009.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.