SA gitna ng init ng araw at bugso ng emosyon, walang pagod na nagtipon ang libo-libong taga-suporta ng Duterte slate dito sa Brgy. Gosi Sur, Tuguegarao City. Hindi lang ito isang ordinaryong kampanya—ito’y isang pruweba ng matibay na pananalig ng mga Pilipino sa Duterte 9, ang mga kandidatong itinuturing nilang pag-asa sa pagpapanumbalik ng kaayusan at malasakit sa bansa.
Mula sa iba’t ibang bahagi ng Tuguegarao, dumagsa ang mga tao, dala ang kanilang matibay na paninindigan para sa PDP-Laban senatorial slate, lalo na kay senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy.
Ngunit bukod sa suporta para sa Duterte 9, isang mas matinding panawagan ang bumalot sa rally—ang pagpapauwi kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na umano’y dinukot ng kasalukuyang administrasyon at isinuko sa International Criminal Court (ICC).
Maituturing itong isang dagok hindi lamang kay Duterte kundi sa lahat ng Pilipinong naniniwala sa kaniyang liderato.
Anila, kung kaya nilang gawin ito sa isang dating pangulo, paano pa sa ordinaryong mamamayan? Hindi nila matanggap ang ginagawang panggigipit sa SMNI, kay Pastor Apollo Quiboloy, at ngayon—kay Tatay Digong mismo.
“Ano ba ang ginawa nila kay Pastor Apollo Quiboloy …na talagang aping-api tayo. Ang pangalawang masakit nito …nagka-civil war na tayo,” pahayag ni Julio Bayson, Chairman, Civil Alliances Philippines.
Naniniwala ang mga taga-suporta na ang Duterte 9, sa pangunguna ni Pastor Apollo Quiboloy, ang siyang makapagbabalik ng kaayusan at kaginhawaan sa bansa.
Isa na rito si Manong Jack, isang miyembro ng Ifugao Tribe, na tulad ng libu-libong dumalo—mula bata hanggang matanda—ay iisa ang panawagan: Itaguyod ang tamang liderato at ipaglaban ang kinabukasan ng Pilipinas.
“Unahin na natin si Pastor Apollo Quiboloy …ayaw nila ng matinong gobyerno,” ayon kay Bayson.
Itinuturing na hindi lang isang campaign rally ang nsabing pagtitipon kundi isang malinaw na mensahe ng taumbayan na sa kabila ng pagsubok, nananatiling matibay ang paninindigan ng mga Pilipino para sa Duterte 9 at sa legasiya ng isang tunay na lider na minahal ng bayan.
Patuloy ang panawagan na “Bring Him Home”, para kay Tatay Digong, isang bagay ang hindi matitinag—ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.