Duterte, sinupalpal si Drilon sa pahayag nito na unahin ang political dynasty kesa sa oligarkiya

Duterte, sinupalpal si Drilon sa pahayag nito na unahin ang political dynasty kesa sa oligarkiya

WoodProfit

SA Ikalimang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ay walang pag-aalinlangan na sinupalpal nito si Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil sa pag-uugnay nito sa anti-dynasty system at oligarko kung saan nadawit pa ang mga pangalan ng kanyang dalawang anak na kasalukuyang naninilbihan sa gobyerno.

 

“My countrymen, it is sad. That the government focus its attention to battle the coronavirus there are those who take advantage of the pre-occupied government. One of them is Senator Frank Drilon.In an interview, he arrogantly mentioned among others that oligarchs need not be rich. Then he linked the anti-dynasty system with oligarchy and the topic was my daughter and son. This happened after the Committee of Franchise voted 70-11 to deny a grant of franchise to ABS-CBN. Obviously, he was defending the Lopezes that they are not oligarchs,” pahayag ng Pangulo.

 

Matatandaan na hinamon ni Senator Drilon si Pangulong Duterte na dapat unahin nitong tapusin ang political dynasties kung nais nitong tuluyang matapos ang tunay na oligarkiya sa bansa.

gamebank

 

Ani Drilon ay hindi basehan ang yaman para maituring na isang oligarko kundi ito ay nasa kakayahan ng isang indibidwal na gamitin ang kanyang kapangyarihan sa politika upang impluwensyahan ang desisyon ng gobyerno para sa pansariling interes.

 

Pinuna rin ng senador ang tila kakulangan umano ng anti-dynasty system sa bansa dahilan upang magpatuloy ang oligarkiya sa Pilipinas.

 

“It is not in wealth that you are an oligarch; you are an oligarch if you use your power to promote through the political system your own interest,” ang pahayag ni Drilon.

 

Dahilan ito upang sagutin ng Pangulo ang pag-uugnay ng senador sa oligarkiya at political dynasty na tila ba isang pagdepensa sa mga Lopezes matapos mabigo ang mga ito na makakuha ng bagong prangkisa para sa ABS-CBN Network na pagmamay-ari nito.

 

“Media is a powerful tool in the hands of oligarchs like the Lopezes. Who use their media outlets in their battles with political figures. I am the casualty of the Lopezes during the 2016 elections,” ayon pa kay Duterte.

 

Kaugnay nito ay iginiit ni Senator Drilon na dinedepensahan lamang niya ang press freedom at hindi ang mga Lopez kabilang na ang 11,000 empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.

 

Samantala, agad na naglabas ng kanyang pahayag si Drilon matapos ang naganap na Ikalimang SONA ng Pangulo ngayong araw.

 

SMNI NEWS

 

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Leave a Reply

Your email address will not be published.