Duterte, wala pa ring i-endorsong presidential candidate sa 2022 elections — Malakanyang

Duterte, wala pa ring i-endorsong presidential candidate sa 2022 elections — Malakanyang

WALANG i-endorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sinumang mga presidential candidate sa May 2022 elections.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Aniya, hindi mag-i-endorso ang Pangulo maliban na lamang kung may justification o makikita niyang may pangangailangan na gawin ito.

“Sabi ni Pangulo, he will not endorse any presidential candidate unless there is a justification or he sees the need to do so but so far, up to now po, up to this point ay wala po siyang ini-endorse kagaya ng nasabi na po niya sa past Talk to the People address niya,” pahayag ni Nograles.

Samantala, kaugnay pa rin sa eleksyon, tiniyak ni Nograles na makapagtatalaga na si Pangulong Duterte ng commissioners sa Commission on Elections (COMELEC) bago ang deadline.

Saysay ng Palace official, ito ay kahit  ilang buwan na lamang ang natitira bago ang eleksyon.

“Well, the President is mindful of the deadlines ‘no, the legal and lawful deadlines for the appointment of very important appointees to the COMELEC. So knowing the deadline and knowing that there’s a vetting process at kailangan dumaan din po sa vetting process ay hintayin na lang po natin ‘no. Rest assured that the President will make the appointments soon beating the deadline and making sure that it will not fall within the deadline. So, hintayin na lang po natin,” ani Nograles.

Batay sa nakasaad sa Omnibus Election Code, ipinagbabawal sa kahit na sinumang pinuno, opisyal o appointing officer ng government office, agency o instrumentality, ma-nasyonal o lokal man ito kabilang na ang government-owned or controlled corporations, mula sa pagtatalaga ng mga bagong empleyado, paglikha ng bagong posisyon, promosyon o pagkakaloob ng umento sa sahod 45 araw bago ang halalan at 30 araw bago ang special election, “except upon prior authority of the COMELEC.”

Mababatid na dapat kinabibilangan ng siyam na Commissioners kasama na ang Chairman ang COMELEC.

Sa ngayon, anim na Commissioners lamang ang nananatili sa COMELEC dahil nagretiro na ang tatlo noong Pebrero 2.

Kasama sa tatlong nagretiro sa posisyon sina Chair Sheriff Abas,  Antonio Kho Jr. at dating Commissioner Rowena Guanzon.

Follow SMNI News on Twitter