DZAR 1026 Sonshine Radio, kinilala ang kontribusyon sa larangan ng pamamahayag

DZAR 1026 Sonshine Radio, kinilala ang kontribusyon sa larangan ng pamamahayag

PINARANGALAN ang DZAR 1026 Sonshine Radio Manila ng “Maharlikang parangal para sa NGO, TV, at media” mula sa  Maharlikang Filipino Awards.

Ayon sa award giving body, napili nito ang DZAR dahil sa patuloy na lumalakas na impluwensya sa larangan ng pamamahayag.

Binigyan ng pagkilala ng nasabing award giving body ang mga organisasyon, businessmen, alagad ng sining at iba’t ibang personalidad na nagpakita ng natatanging abilidad at mahalagang kontribusyon.

Ang SMNI naman ay lubos ang pasasalamat sa patuloy na pagmamahal at pagtangkilik na natatanggap nito mula sa mamamayang Pilipino.

Ang DZAR 1026 ay kabilang sa 17 Sonshine Radio Stations na bahagi sa multi-media platform ng SMNI na pinangungunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang founding at honorary chairman.

Sa ilalim ng matagumpay na direksyon ni Pastor Apollo ay umani ng papuri ang mga istasyon, programa, at personalidad sa SMNI mula sa iba’t ibang award giving bodies at ahensya ng pamahalaan.

Bago ang patuloy na pagtanggap ng mga pagkilala ng SMNI ay una nang siniguro ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na patuloy na tatahakin ng network ang direksyon na magbibigay ng makabuluhang balita at serbisyo sa sambayanang Pilipino.

BASAHIN: SMNI, kinilala bilang “Most Credible and Reliable News Source of the Year”

Follow SMNI NEWS in Twitter