Cambodia, nagpatupad ng ban sa paggamit ng E-cigarettes

E-cigarettes users sa bansang Cambodia ipinagbawal ng mga awtoridad.

Ipinagbawal ng Cambodian authorities ang Electronic Nicotine Delivery System (EDNS) o E-cigarettes at mga Heated Tobacco Products (HTPs) ayon sa utos ng National Authority for Combatting Drugs’ (NACD).

Naglabas ng instruction noong nakaraang linggo lamang ang Chairman ng National Authority for Combatting Drugs na si Ke Kim Yan na i-ban ang lahat ng uri ng produkto na may kaugnayan sa HTP’s at EDNS sa bansang Cambodia.

Samantala, ang ilang uri ng E-cigarettes, lalo na ang HTPs at EDNS, ay malawak na ipinagbibili sa social media lalo na sa mga kabataan, na sinimulan na ang paggamit ng mga ito.

Ayon sa awtoridad ang paggamit ng ganitong uri ng E-cigarettes ay pwedeng magudyok sa kabataan na gumamit ng ipinagbabawal na gamot at humantong sa pagkalat ng nakamamatay na mga sakit sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga aparato.

“Recently, E-cigarettes have been sold on social media, suggesting that they are safe tools to quit smoking, a safer product than regular cigarettes and do not harm the environment,”

“Actually these claims contradict the World Health Organization and major health institutions around the world, which have made it clear that exposure to E-cigarettes can lead to addiction, serious lung disease and even death. It can also be a motivating factor for the use of other illegal drugs,”

Nagpahayag ng kanyang buong pagsuporta ang Executive director ng Cambodia Movement for Health Organisation na si Dr Mom Kong sa ginawang pagkilos ng NACD.

“On behalf of a civil society organisation, I would like to support the NACD’s action in banning the use, import and exploitation of E-cigarettes, mainly Heated Tobacco Products (HTPs) and Electronic Nicotine Delivery System (EDNS), because these really affect the lungs of users, which cause some deaths and other diseases,”

Nagpahayag din ng pag-alala si Dr. Kong hinggil sa paggamit ng E-cigarettes ngayong my pandemya na COVID-19.

“When smokers share the same devices, it poses the highest risk of COVID-19 spreading, the opposite to what the government is doing to prevent the spread of the disease,” Pahayag ni Dr. Kong

Wala pa namang datos kung ilan ang E-cigarette users sa Cambodia pero ayon kay Dr. Kong ay patuloy itong tumataas lalo na sa mga kabataan dahil sa free promotion nito sa social media.

 

(BASAHIN: Cambodia, makikilahok sa pagdiriwang ng Earth Hour sa Marso 27)

SMNI NEWS