E-patrol services ng LTO, ilulunsad sa Rizal Park sa Araw ng Kalayaan

E-patrol services ng LTO, ilulunsad sa Rizal Park sa Araw ng Kalayaan

ILALAPIT ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang ang e-patrol services nito sa Rizal Park kasabay sa paggunita ng ika-126 na Araw ng Kalayaan.

Gagawin ito mula Hunyo 10-11, 2024.

Kabilang sa ihahatid na serbisyo ay ang pagproseso ng student permit, pagrenew ng driver’s license, public assistance complaints desk at LTMs portal assistance para sa mga kailangang magpalit ng password o mag-retrieve ng account.

Magbibigay rin ang LTO ng libre na medical exam para sa first 100 applicants, na isa sa mga pangunahing requirement sa pagkuha ng lisensiya.

Ayon sa LTO, upang ma-avail ang naturang serbisyo ay dapat nasa Rizal Park na ng 7:00 am.

Tiyakin ding dala ang mga kinakailangang dokumento tulad ng birth certificate, valid ID, at TDC (Theoretical Driving Course) para sa mga aplikante ng student permit, o pasadong comprehensive driver’s education (CDE) exam para sa mga magrerenew ng lisensiya, na maaari ding gawin onsite.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble