E-services kiosk, inilunsad ng Quezon City government

E-services kiosk, inilunsad ng Quezon City government

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga e-services kiosk sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, ARTA Director General Jeremiah Belgica at ilang opisyal ng naturang lungsod.

Layon nito na maging centralized at mas mapadali at mailapit sa mga Qcitizens ang mga serbisyo ng lungsod.

Ang mga nasabing e-services kiosk ay ilalagay sa mga district action offices at business centers sa mga mall.

Ang paglunsad nito ay bilang parte ng pagpapatupad ng mga programa alinsunod sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Ito ay isa sa mga prayoridad ng Quezon City local government unit upang mas marami pang umusbong na negosyo at dumami ang mag-invest sa lungsod.

Bukod sa business one-stop-shop, maaari din mag-apply ng Qcitizen ID, mag-register sa QC Vax Easy, mag-apply ng occupational, health and sanitary permit, magbayad ng Amilyar, at mag-apply ng PDAO at OSCA ID gamit ang e-services kiosk.

Sinabi pa ni Belgica, simula 2019 ay malaki na ang nagawa ng lungsod pagdating sa Ease of Doing Business at maaari din aniya itong gawin ng iba pang local government unit.

“The city for its continuous innovation of projects which helps to ease the burden of the residents when it comes to transactions with the city government,” pahayag ni Belgica.

Higit pa rito ang Ease of Doing Business ay isa sa mga priyoridad upang makakuha ng mas maraming pang mamumuhunan at para na rin sa mga negosyo na gustong umunlad.

Ang e-services kiosk ay malaking tulong upang hindi na kailangan pang pumunta sa city hall para magsagawa ng kanilang mga transaksyon dahil pwede na lamang itong gawin online sa pamamagitan ng kiosk.

BASAHIN: Quezon City government at USAID, naglunsad ng mobile testing at vaccination initiatives

SMNI NEWS