“E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko,” inilunsad na sa siyudad ng Naga

“E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko,” inilunsad na sa siyudad ng Naga

INILUNSAD na rin ng PNP Naga City ang “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko” na una nang ipinag utos ng PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar upang mapabilis ang pagrereport ng mga insidente at mga reklamo ng mga mamamayan.

Ang E-Sumbong ay isang sistema na magsisilbing tulay upang agad na matugunan ng pulisya ang mga insidente ng krimen, aksidente at iba pang pangangailangang panseguridad sa pamayanan pati na ang mga sumbong ng katiwalian at pang-aabuso ng mga pulis sa ating mga kababayan.

Ang mga personahe ng pulisya, partikular na ang police station Naga City Police Office sa ilalim ng direktiba at superbisyon ni Police Major Allan Q. Lopez station commander ay nagsagawa ng hanging and paglalagay ng mga tarpaulin sa lungsod ng Naga sa harapan ng mga tanggapan ng pulisya bilang hudyat ng pagkakaroon ng bagong sumbungan na binuo ng Directorate for Information and Communications Technology (DICT) ng Philippine National Police (PNP).

Sa pamamagitan ng E-Sumbong maaari nang ipadala ng publiko ang kanilang mga reklamo dahil namomonitor di-umano ng hepe ang mga reklamong matatanggap at aksyong gagawin ng mga kapulisan.

Dati nang sinabi ni Eleazar na ang bawat sumbong ay itinuturing na utos sa mga pulis mula sa PNP Chief na kailangang bigyan ng agarang aksyon.

Layunin din ng E-Sumbong na patatagin ang ugnayan ng pulisya at mga mamamayan at agad mabigyan ng pansin at maaksyunan ang kanilang mga reklamo.

Paalala ng pulisya na tanging ang mga valid o legit na mga reklamo lamang ang tutugunan ng proyektong ito at umaasa ang hanay ng mga kapulisan na sa pamamagitan nito ay muling maibabalik ang kumpiyansa ng publiko sa mga awtoridad.

(BASAHIN: Ayuda at COVID care kit ipinamahagi para sa mga apektado ng house lockdown sa Naga)

SMNI NEWS