Eagles, balik na sa UAAP finals matapos na matalo sa UP

Eagles, balik na sa UAAP finals matapos na matalo sa UP

NAKABALIK na sa finals ang three-time reigning champion na Ateneo Blue Eagles matapos na putulin ng UP Fighting Maroon ang winning streak nito sa nagpapatuloy na UAAP season 84 final four.

Hindi nahirapan ang top-seeded team na Blue Eagles na makapasok sa finals matapos nitong tambakan ang fourth-seeded na Far Eastern University sa final four na nagtapos sa iskor na 85-72.

Nagpaulan si Bryan Andrade ng 16 points habang ang trio na sila SJ Balangel ay nakapag ambag ng 14 points, Giyan Mamuyac na may 12 points at Dave Ildefonso ng 11 points upang dalhin ang Blue Eagles sa ika-lima nitong sunod na finals.

Haharapin ng Blue Eagles ang mananalo sa pagitan ng no.2 na University of the Philippines at no.3 na La Salle matapos ang winner-take-all match nito sa Biyernes.