EARTH Hour hindi papalagpasin ng bansang Cambodia ang pagdiriwang nito sa darating na Marso 27.
Ayon sa Ministry of Environment ang Cambodia ay makikilahaok sa minsanang pagdiriwang ng Earth Hour.
Makikilahok ang bansang Cambodia sa pagdiriwang ng Earth hour sa Marso 27.
Ang tema ng Earth Hour ngayong taon ay “MakeRoom4Nature” na nagrerepresenta at pagkakataon na pag-usapan natin ang kahalagahan at kabutihan ng kalikasan sa kalusugan ng tao.
Ito rin ay naghihikayat sa mga tao na bigyan ng kahalagahan ang ating kalikasan.
“Be the voice for nature and help spread the word about appreciation of nature among families and others on social media,”
Gagawin namang digital ang pagdiriwang na ito ngayong taon dahil pa rin sa pandemya.
Samantala, ang Earth Hour ay kilusan sa buong mundo na organisado ng World Wide Fund for Nature o (WWF).
Ang nasabing event ay ginaganap lamang taun-taon. Ito ay naghihikayat sa mga indibidwal, pamayanan, negosyo na patayin ang hindi kinakailangang mga ilaw ng kuryente sa isang oras. mula 8:30-9:30 ng gabi sa nasabing araw.
Ito ay sumisimbolo bilang pangako at pagpapahalaga sa ating planeta.
Nagsimula naman ang lights-off event na ito sa Sydney, Australia noong taong 2007. mula noon ito ay lumago at lumaganap sa mahigit 7,000 na mga lungsod at bayan sa buong 187 na bansa.
Naghihikayat na itaas ang kamalayan para sa pagkonsumo ng enerhiya at mga epekto sa kapaligiran.
Mula noong 2007, ang Earth Hour ay nagbibigay inspirasyon sa milyon-milyong tao sa buong mundo para makilahok at makiaalam sa kalikasan at kapaligiran.
Ang kalikasan ay hindi lamang nagbibigay sa atin ng lahat ng mga bagay na kailangan natin para mabuhay. mula sa sariwang hangin, sa tubig na ating naiinom, sa tirahan na ating kailangan at sa ekonomiya na ating inaasahan kundi para gawing masagana ang ating buhay.
Sa nakalipas na 14 taon, lahat ng tao sa buong mundo ay nagsasama-sama upang suportahan ang pagdiriwang ng Earth Hour at pagusapan ang climate change.
(BASAHIN: Opposition figure ng Cambodia, hinatulan ng 25 taon na pagkakakulong)