Earthquake-proof na bahay gamit ang makabagong teknolohiya, puwede na sa Pilipinas

Earthquake-proof na bahay gamit ang makabagong teknolohiya, puwede na sa Pilipinas

MAAARI na sa Pilipinas ang teknolohiya para maging earthquake-proof ang mga bahay.

Kamakailan lang nang niyanig muli ng malakas na lindol ang Mindanao.

Pasado alas-4, Biyernes ng hapon, nang tumama ang 6.8 magnitude na lindol sa bahagi ng Sarangani, Davao Occidental.

Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 9 ang napaulat na namatay sa lindol habang 15 naman ang sinasabing nasaktan.

826 na kabahayan naman ang sinira ng lindol kung saan 97 ang totally damaged.

Pero alam niyo ba na available na sa Pilipinas ang pagkakaroon ng earthquake proof na bahay?

Dito sa Pilipinas ang RBRA (Ruel B. Ramirez & Associates) ang naging pioneer sa anti-earthquake technology.

Isa itong Japanese inspired technology.

Marami nang mga gusali dito sa bansa ang nakabitan na ng tinatawag na seismic isolators.

Gaya ng sa Multi-Purpose Geriatric Building sa loob ng San Lazaro Hospital Compound at San Vicente de Paul Parish sa Maynila.

Meron na ring anti-earthquake technology ng RBRA ang China Banking Corporation Building sa Maynila, at De La Salle University Lipa at Mabini Building.

At ayon sa structural engineer na si Ruel Ramirez ng RBRA, kaya rin nilang gawing earthquake proof ang mga bahay.

National Civil Engineering Month, ipinagdiriwang ngayong Nobyembre

Samantala, ang buwan ng Nobyembre ay tinagurian ding Civil Engineering Month.

At bilang civil engineer ay may panawagan si Engr. Ramirez sa kaniyang mga kapwa na nasa propesyon.

Ito ay ang laging pagtiyak na naaayon sa standard ang kanilang mga ginagawang proyekto para masigiro na ligtas ito sa mga posibleng sakuna gaya ng epekto ng mga lindol.

P.I.C.E. QC Chapter President sa mga civil engineers: i-develop ang kakayanan

Tema naman ng Civil Engineering Month ngayong taon ay “Innovations in interdisciplinary approaches to civil engineering challenges”.

At bilang bahagi ng selebrasyon na ito, si Engr. Ramirez, na presidente rin ng Philippine Institute of Civil Engineers (P.I.C.E.) Quezon City Chapter ay ipinagmalaki ang iba’t ibang mga ginawang proyekto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble