‘Ease of doing business’, palalakasin sa tulong ng inilunsad na ‘green lanes’ ni PBBM

‘Ease of doing business’, palalakasin sa tulong ng inilunsad na ‘green lanes’ ni PBBM

MAS mapapadali na ang paglalagak ng puhunan ng mga negosyante sa Pilipinas sa paglulunsad ng ‘green lanes’ para sa strategic investments.

Ang ‘green lanes’ ay upang maging simple at mabilis ang proseso para sa mga foreign investor para maging business friendly at investor ready ang Pilipinas.

“And so when we say that there will be one avenue, one lane, one green lane, is that we establish a system whereby our potential investors will go to the DTI, will go to ARTA, will go to wherever the appropriate department is, that department will then take on that load and say whenever you have – we will be the ones to call our counterparts in the other departments,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang green lanes ay naitatag sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 18 na inisyu noong Pebrero ngayong taon.

Dahil sa tagal ng proseso sa Pilipinas noon para sa mga mamumuhunan, malaking bagay ang green lanes para matiyak ang ‘ease of doing business’ sa Pilipinas.

“We will go there, get the documentary requirements, get the signatures that are needed. And anytime that you have a problem, you come to one person, you have one person, one agency, that you will talk to. And we will take care of it from our end,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Kapag nahikayat ang mga banyagang negosyante na mamuhunan sa Pilipinas, inaasahang makatutulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya.

Kumpiyansa rin si Pangulong Marcos na makatutulong ang green lanes para maging makatotohanan ang mga pangakong investments na nakukuha niya sa mga naging foreign trips niya.

Inaalalayan ng EO 18 ang mga reporma sa ekonomiya na ginawa ng Kongreso tulad ng Public Service Act, Foreign Investment Act, at Retail Trade Liberalization Law para maging top investment destination ang bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble