Eastern Communications, pinalawig ang digital services sa Pangasinan, MSMEs makikinabang 

Eastern Communications, pinalawig ang digital services sa Pangasinan, MSMEs makikinabang 

PAGSISIMULA ng serbisyo ang mas pinalawig na digital services at strong internet connectivity ng Eastern Communications sa Pangasinan na ginanap sa Gia’s Farm, Urdaneta City.

Ito ay malaking tulong para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa lalawigan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng serbisyo ang nasabing kompanya sa lalawigan na nagdiriwang din ng ika-145 anibersaryo nitong Nobyembre 10, 2023.

Ayon kay Vice President Eastern Communications, Michael Castañeda, makatutulong ito sa mga negosyo sa lalawigan lalo na sa mga MSME.

Aniya, hindi sa pagmamaliit sa mga MSME, masigasig ang mga ito sa kanilang pagnenegosyo ngunit kailangan aniya pa ng technological interventions para mas lalong lumago ang negosyo ng mga ito.

Basta business district kasi Eastern po is B to B o business to business, wala po kaming consumer, may kaunting consumers’ service pero sa Manila. What we are offering in Pangasinan is a service for our businesses. Whether these are emerging business, sample po ‘diyan is small to medium enterprises. ‘Yung iba start up. Pagkatapos ng start up, gusto na kumuha ng momentum to be a bigger business,” ayon kay Michael Castañeda, Vice President, Eastern Communications.

Samantala, hindi lamang ito magtatapos sa Urdaneta City, dahil plano rin ng Eastern Communications na palawigin pa ang serbisyo sa Dagupan City at sa iba pang bahagi ng Central at Northern Luzon.

“Actually, launch po ito, introductory activity po naming kasi we just recently activated our service sa Urdaneta City. Although the plan is really to cover the whole of Pangasinan, most of the business districts of Pangasinan. We are starting in Urdaneta, then pretty soon, other areas in Pangasinan like Dagupan City and the others po.”

“Right now, nasa Central Luzon na kami, that’s Bulacan and Tarlac. We are going up to North, meron na po kami sa Baguio, sa San Fernando, La Union, at sa Bauang, La Union. We continue to expand dito sa personal especially now that there are number of businesses that are being set up dito po sa Central Luzon hanggang North Luzon,” dagdag ni Castañeda.

Sa ngayon, matatagpuan na ang nasabing kompanya sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa National Capital Region (NCR).

Suportado naman ni Pangasinan Provincial Economic Development and Investment Promotion Officer Atty. Reymundo Bautista, Jr. ang pagpapalawig ng serbisyo ng Eastern Communications sa lalawigan.

Saad ni Atty. Bautista, welcome para kay Gov. Ramon Guico III ang mga negosyo na tulad ng Eastern Communications.

“But these are in the pipeline, considering that the governor is like seeing the big picture, para siyang nasa helicopter, nasa eroplano, tiningtinan niya ‘yung buong province of Pangasinan kung ano ‘yung magaganda na puwedeng i-proyekto dito. And, one of that is, information and communications technology,” ayon kay Atty. Reymundo Bautista, Jr. Provincial Economic Development and Investment Promotion Officer.

Aniya, kailangan ng mga negosyo sa probinsiya ang secure connections.

Samantala, naniniwala ito na mas mainam pa rin ang tao kaysa sa chat Global Positioning System (GPS) dahil ang tao ay may puso at emosyon.

Ayon naman kay Urdaneta LGU Rep. Gary Beltran, Special Adviser for Economic Affairs of Mayor Julio ‘Rammy’ Parayno III, welcome rin sa siyudad ng Urdaneta ang Eastern Communication na anila ay makatutulong din sa pag-unlad.

“Because Urdaneta City is the center of trading here in Pangasinan, and, not just in Pangasinan, North Luzon. During the pandemic, as we all know, even our situations that, nag-close ‘yung mga businesses, nag-stop ‘yung businesses, in Urdaneta, it is moving and working. Why? Because the center of trade is here. You might be wondering; Sir, ano po ang nagiging trade during that time ng pandemic? One is agriculture,” ayon kay Mr. Gary Beltran, Special Adviser for Economic Affairs to the Mayor.

Naging enjoyable naman ang nasabing launching kasabay rin ng mga pa-raffle at give aways nito sa mga dumalo sa nasabing event.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble