Eastern Mindanao Command dumalo sa Unity Walk at Covenant Signing para sa mapayapang halalan

Eastern Mindanao Command dumalo sa Unity Walk at Covenant Signing para sa mapayapang halalan

BILANG suporta sa 2025 midterm elections dumalo sa ginawang Simultaneous Unity Walk, Manifesto Reading, and Covenant Signing ang ilang tropa ng sundalo mula sa Eastern Mindanao Command ng 4th Infantry Division.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng libu-libong residente, government officials, military personnel, at local organizations.

Sila ay nag-martsa sa mga pangunahing lugar mula sa Butuan City hanggang Las Nieves, Carmen, Nasipit, at Esperanza, bilang simbolo ng tapat, mapayapa at maayos na eleksiyon.

Muli namang binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang pangako na masiguro ang kapayapaan at seguridad sa panahon ng halalan.

At binigyang-diin ng AFP na ibibigay nila ang nararapat na seguridad sa mga botante para maging fear-free o walang pananakot sa mga botante sa proseso ng botohan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble