Eastern Police District, tinanghal bilang Best Police District ng NCRPO ngayong taon

Eastern Police District, tinanghal bilang Best Police District ng NCRPO ngayong taon

TINANGHAL bilang Best Police District ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Eastern Police District ngayong taon.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Police service, pinarangalan ngayong-araw ang mga natatanging kawani ng PNP sa ilalim ng pangangasiwa ng National Police Office.

Personal na tinanggap ni Eastern Police District Director PBGen. Matthew Baccay ang pagkilala bilang Best Police District ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kasunod ito ng pagdiriwang ng ika-120 taong anibersaryo ng Police Service ngayong taon.

Kinilala ang EPD bilang natatanging distrito sa matagumpay na pakikiisa nito sa kampanya ng pamahalaan kontra kriminalidad, terorismo at iligal na droga.

Kinilala din ang ibat-ibang Police Districts sa NCR mula sa mga pinangunahan nitong operasyon kontra iligal na droga, kriminalidad, terorismo sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kasama rin sa binigyang parangal ang katapatan at serbisyo ng ilang commissioned at non-commissioned personnel ng NCRPO sa kani-kanilang mga tinutukang adbokasiya at pagtupad ng kanilang mga sinumpaaang tungkulin.

Pinangunahan ang aktibidad ni NCRPO Chief PMGen. Vicente Danao Jr. habang nagsilbing panauhing pandangal si Senator Bong Go.

SMNI NEWS