NAGPAHAYAG ng komento si EB Jugalbot sa naging reaksiyon ni Pangulong Marcos Jr. sa pagkuwestiyon ni FPRRD kung bakit may “blank amounts” sa 2025 bicam report.
“Parang nabaliktad nga ang mundo eh. ‘Yun sanang responsable ang dapat sumagot. Number one, ‘yung co-chairpersons sa bicam, in the person of Zaldy Co sa side ng HoR. And si Sen. Grace Poe, who is the chairman of the Finance Committee ng Senado.
Pero hanggang ngayon wala tayong naririnig sa kanila, at mismo ang Ehekutibo (Office of the President) na ang naging spokesperson ng mga mambabatas na ito,” ayon kay EB Jugalbot, Political Commentator.