Ebidensiya para sa diskwalipikasyon laban kay Legazpi City Mayoral Candidate Carmen Geraldine Rosa, matibay

Ebidensiya para sa diskwalipikasyon laban kay Legazpi City Mayoral Candidate Carmen Geraldine Rosa, matibay

KINUMPIRMA ng Commission on Elections (COMELEC) na diskwalipikado na ang kandidatura ni Carmen Geraldine Rosal bilang mayoral candidate sa Legazpi City sa Albay noong 2022 elections.

Ito ang sinabi ni COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia sa panayam ng SMNI News.

Ayon kay Garcia, ang mga iprisentang ebidensya laban kay Rosal ay nagpapatunay na ginamit ang pondo ng lokal na pamahalaan para sa kandidatura nito.

Iprinoklama naman ng COMELEC bilang elected mayor ng Legazpi City ang second-placer na si Alfredo Garbin, Jr.

Noong Huwebes, Mayo 4, inilabas ang resolution ng COMELEC en banc kung saan nakitaan si Rosal ng pananagutan sa pamimigay ng pera para impluwensiyahan, hikayatin o suhulan ang mga botante para iboto siya sa nakalipas na halalan.

Batay sa naturang desisyon, isa itong paglabag sa section 68 (a) ng Omnibus Election Code (OEC).

Hindi naman itinanggi ni Rosal na kasama ito sa isinagawang aktibidad na tinawag na “2-day tricycle driver’s cash assistance payout’ na isinagawa noong March 31, 2022 kung saan sa Facebook post ng aktibidad ay pinasalamatan siya at tinawag pa na Mayor Gie Rosal kahit na hindi siya ang incumbent mayor noon at kandidato pa lang.

Matatandaan na una na ring naglabas ng kaparehong resolusyon ng diskwalipikasyon ang COMELEC second division laban kay Rosal noong October 4, 2022.

Samantala, hindi naman mapapanagot si Rosal para sa paglabag sa section 261 (v) ng OEC dahil hindi naman ito public official o empleyado nang ginawa ang naturang pagbili ng boto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter