Economic managers, mabuti ang pamamahala sa bansa –FPGMA

Economic managers, mabuti ang pamamahala sa bansa –FPGMA

IGINIIT ni former President Gloria Macapagal Arroyo na mabuti ang performance ng economic managers ng bansa.

Ito’y kahit sino pa man ang nakaupong Pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay FPGMA na isa ring batikang ekonomista, kung pagbabatayan ang kasaysayan ay maganda ang track record ng mga namamahala sa ekonomiya kaya inaani natin ang magandang economic forecast ngayong 2023.

‘’Historically, maganda ang track record ng ating bansa na magagaling ang mga economic managers kung sino pa man ang nakaupong Pangulo. So ibig sabihin nun stable ang pagpapalakad ng ating ekonomiya kaya’t maganda ang ating economic forecast sa 2023,” ani Arroyo.

Kaya sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos Switzerland, ‘excellent’ din ang forecast ni FPGMA sa gains ng official trip ng Philippine delegation.

Saad nito, kinokonsidera ng WEF participants na isang ‘excellent investment destination’ ang Pilipinas kaya binabati nito si Pangulong Marcos dahil ginagawa nito ang lahat para dumami ang trabaho sa ating bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter