Economic performance ng Pilipinas, ibibida ni PBBM sa World Economic Forum

Economic performance ng Pilipinas, ibibida ni PBBM sa World Economic Forum

IBIBIDA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang economic performance ng bansa sa harap ng global leaders at top chief executive officers (CEOs) sa lalahukang World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta, nananatiling ‘premier forum’ ang WEF para sa world at business leaders.

Dagdag ni Sorreta, pagkakataon ito na magsama-sama, makipag-ugnayan at magkaroon ng mga ideya at plano ang mga ito upang matugunan ang maraming hamon at oportunidad na kinakaharap ng pandaigdigang ekonomiya.

Pamumunuan ni Pangulong Marcos ang economic team na binubuo ng mga opisyal ng gobyerno at business leaders.

Ipapakita ng Philippine delegation sa harap ng audience ng mga international CEO ang economic performance ng bansa, na nangunguna sa paglago sa rehiyon.

Lalahok din si Pangulong Marcos sa isang high-level dialogue session kasama ang iba pang mga lider — ang presidente ng South Africa, punong ministro ng Belgium, presidente ng European Commission at iba pang world leaders.

Follow SMNI NEWS in Twitter