Ecuador, hindi itutuloy ang pagbubukas sa border ng Peru

Ecuador, hindi itutuloy ang pagbubukas sa border ng Peru

HINDI itutuloy ng Ecuador ang pagbubukas sa border ng Peru.

Papanatilihin ng Ecuadorian Foreign Ministry ang pagsasara ng borders nito para mapigilan ang pagpasok ng Omicron variant sa bansa.

Inanunsyo ng Ecuadorian Foreign Ministry na hindi nito bubuksan ang border.

Ang nasabing hakbang ay para na rin umano mapigilan ang pagpasok ng Omicron variant sa bansa, ngunit patuloy umano itong nakikipag-usap sa Peru para sa unti-unting pagbubukas ng border sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kabila nito ay malaya naman umanong makapasok sa bansa ang residents at non- residents mula sa Chile na makakasunod sa itinakdang health protocols ng gobyerno.

Binuksan na rin ang border sa Colombia para sa pagpasok at paglabas ng mga cargo.

Inaasahan naman na sa katapusan ng Disyembre ay aabot na sa 85% ang immunization rate ng Ecuador laban sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.