TAPOS na at maaari nang mai-release ayon sa English singer-songwriter na si Ed Sheeran ang kaniyang panibagong album.
Kahit hindi pa kumpirmado ay posibleng ‘Play’ ang pamagat ng upcoming music comeback.
Kung matatandaan ay taong 2023 pa ang huling album ng singer na pinamagatang ‘Autumn Variations’ at ito na muli ang kaniyang bagong release.
Para hindi naman mapagod mag-antay sa album ay inanunsiyo na rin ni Ed na may handog muna siyang isang bagong single na may pamagat na ‘Azizam’.
Aantayin na lang ang anunsiyo ng singer kung kailan ito ilalabas.