Ed Sheeran, tinawag na ‘weird’ ang paggamit ng AI sa music industry

Ed Sheeran, tinawag na ‘weird’ ang paggamit ng AI sa music industry

TINAWAG na ‘weird’ ng English singer-songwriter na si Ed Sheeran ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa larangan ng music.

Aniya, matagal nang ipinapakita sa ilang Hollywood movies ang masamang epekto ng paggamit ng AI at nakapagtataka kung bakit tinatangkilik ito ngayon.

Sinabi pa ng singer, isang masamang hakbang ang agawan ng trabaho ang isang tao para lang bigyang-daan ang AI.

Kung sakali aniyang mga robot na ang pinapagawa sa mga bagay-bagay, hindi magtatagal ay mawawalan na ng trabaho ang lahat ng tao sa mundo ayon kay Ed.

Follow SMNI NEWS on Twitter