ITINANGGI ng singer-songwriter na si Ed Sheeran na may copyrighted ang kaniyang hit song na “Thinking Out Loud”.
Ito’y matapos sampahan ng kaso ang singer ng pamilya ni Ed Townsend, ang co-writer ni Gaye kung saan naghahanap o kinukuha ang bahagi ng kita mula sa naturang kanta.
Copyrighted umano ang chord progression maging ang syncopated pattern ng hit song nito sa “Let’s Get It On”.
Sa pagharap ng singer sa korte, pinatugtog nito ang four-chord progression at kinanta ang linya na sinasabing kinopya.
Isinalaysay rin ni Ed Sheeran ang pinaghugutan nito sa pagbuo ng kanta noong 2014.
Ipinaliwanag din ng singer na ang title na”I’m Thinking Out Loud” ay mula sa phrase na “I’m Singing Out Now” na inawit nito sa isang songwriting session kasama ang kaniyang kaibigan.