EDCA sites sa Pilipinas, halatang gagamitin ng US para sa Taiwan—Atty. Roque

EDCA sites sa Pilipinas, halatang gagamitin ng US para sa Taiwan—Atty. Roque

NAPAGHAHALATANG para sa Taiwan ang apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Saad ni Atty. Harry Roque, mas maiintindihan pa nito ang layunin na matulungan ang Pilipinas sakaling may agawan ng isla kung ang mga bagong U.S. military bases ay itatayo lahat sa parte ng West Philippine Sea.

Subalit kung titingnan aniya ang lokasyon ng apat na bago, halatang ang target ng Estados Unidos na matulungan ang Taiwan laban sa China.

Ang lokasyon ng apat na karagdagang EDCA sites ay sa Naval Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; Balabac Island sa Palawan; at Lal-Lo Airport sa Cagayan.

Sinasabing ang pagtatayo ng EDCA sites ay makakatulong para mapalakas ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines, magbibigay ng karagdagang trabaho at mapapalakas ang lokal na ekonomiya sa mga komunidad kung saan itatayo ang karagdagang sites.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter