EDSA Greenways Project, tinatayang matatapos sa taong 2027

EDSA Greenways Project, tinatayang matatapos sa taong 2027

TINATAYANG makukumpleto ang P14-B EDSA Greenways Project ng Department of Transportation (DOTr) sa taong 2027.

Saklaw ng EDSA Greenways Project ang paglalagay ng 5 kilometrong covered elevated pedestrian walkways sa paligid ng 4 na mga istasyon gaya ng Balintawak, Cubao, Guadalupe at Taft.

Maglalagay rin ng elevators sa gagawing walkways para maging komportable ang mga nakatatanda, kababaihan, persons with disabilities at mga indibidwal na nagdadala ng mga bata.

Katuwang ng DOTr dito ang Ove Arup & Partners Hong Kong Limited.

Samantala, ito na ang pangatlong pagkakataon na inilipat ang target completion time.

Sa unang anunsiyo, sinabing sa taong 2022 ang completion target subalit dahil sa maraming factors, inilipat ito sa taong 2024.

Ngayon, ito nga at sa 2027 na ang latest update ng DOTr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter