EDSA Revolution, hindi sana muling magamit para magkawatak-watak ang mga Pilipino— Honasan

EDSA Revolution, hindi sana muling magamit para magkawatak-watak ang mga Pilipino— Honasan

MULING binalikan ng bayan ang makasaysayang EDSA People Power Revolution na naganap noong Pebrero 22-25, 1986—isang kilos-protesta na naging mitsa ng pagbabago sa bansa at nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. matapos ang mahigit dalawang dekada sa kapangyarihan.

Pero kasabay ng paggunita sa makasaysayang pangyayaring ito, isang mahalagang paalala ang ibinahagi ng isa sa mga personalidad na naging bahagi nito.

“Sana hindi ito muling magamit bilang paraan para muli tayong magkawatak-watak bilang mga Pilipino,” ayon kay Gringo Honasan Senatorial Candidate.

Ayon kay Honasan, mahalagang gawing inspirasyon ang diwa ng EDSA para mapatatag ang pagkakaisa ng bansa, lalo na para sa mga susunod na henerasyon.

“Sana maging aral ito sa atin bilang buhay na halimbawa na iiwan natin sa susunod na henerasyon ng mga pinuno at mamamayan natin para magkasama tayong pangarap, magkaisa, taimtim na manalangin at magsikap para sa pangmatagalang na kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran na matagal na nating minimithi,” saad ni Honasan.

Ayon pa kay Honasan, ang hamon sa kasalukuyan ay ang pagpapatibay ng pagkakaisa sa pulitika at pagkakaisa ng lipunan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaunlarang pang-ekonomiya bilang pundasyon ng pambansang seguridad.

Higit sa lahat, nanawagan siya na ipagpatuloy ang laban para sa reporma, hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para rin sa mga susunod na Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble