MAGBABALIK na sa ONE Championship Circle sa susunod na buwan ang dating two-time ONE Lightweight World Champion Eduard Folayang.
Makakalaban ni Folayang si Amir Khan ngayong Setyembre 30 sa Singapore Indoor Stadium.
Taong 2018 nang unang magkalaban si Folayang at Khan at natalo ito ng Pinoy fighter.
Samantala, sa magiging laro na ito ay hindi na Team Lakay ang dadalhin ni Folayang dahil ang bandera na ng Lions Nation MMA ang irerepresenta nito.
Ang Lions Nation MMA ay ang fight team na itinayo ni Folayang noong Hunyo 2023.