Education group sa Dubai, magbubukas ng 4 na bagong paaralan

Education group sa Dubai, magbubukas ng 4 na bagong paaralan

MAGKAKAROON ng 4 na bagong paaralan sa emirata ng Dubai sa mga susunod na taon kasunod ng anunsyo ng isang education group roon.

Ayon kay Alan Williamson, Chief Executive ng Taaleem, ang isang paaralan ay bubuksan sa Mira at ang isa ay sa Jumeirah sa taong 2024.

Dalawa pang paaralan, isa sa Dubai at ang ikalawa sa Abu Dhabi ay magbubukas sa 2025.

Inihayag ni Williamson na ang bawat paaralan ay mayroong kapasidad para sa 1,600-2,000 estudyante.

Ang mga fee naman para sa mga paaralan na ito ay tinatayang aabot sa 45,000-75,000 dirhams.

Ang pagpapalawak na ito ay inanunsyo ng Taaleem Holdings kasabay ng paghahanda nito sa listahan sa Dubai Financial Market.

Follow SMNI NEWS in Twitter