Efficacy rate ng Sputnik V vaccine, aabot sa mahigit 91% —FDA

AABOT sa mahigit 91% ang efficacy rate ng Sputnik V mula sa Russia ayon sa pahayag ni Food and Drug Administration Director-General Enrique Domingo.

“Iyung Sputinik V na vaccine, para din siyang AstraZeneca, isa siyang adeno-viral vector vaccine. Ibig sabihin, galing din siya virus na hindi nagiging sanhi ng sakit sa tao tapos nilagyan siya ng genetic material ng Covid-19. Pagtapos, ‘yun ang ini-inject sa atin para mag-elicit ng immune response,” pahayag ni Domingo

Ayon pa kay Dr. Domingo, ang mga side effect na mararanasan sa Sputnik V vaccine ay kagaya rin ng ibang flu vaccine, kagaya ng pananakit sa braso, sinat, mild sore throat, pagtamlay ng katawan at iba pa.

Pinaalalahanan naman ni Dr. Domingo na dapat bantayan ang mga mayroong mga history ng allergies.

Sa ngayon, hinihintay pa ng FDA ang mga datos patungkol sa mga bagong variant at epekto nito sa mga bakuna.

Marso 19 ay nabigyan na ng Emergency Use Authorization ang Sputnik V Gam-Cov-Vac vaccine ng Gamaleya.

(BASAHIN: Sputnik V COVID-19 vaccine, nakakuha na ng EUA mula sa FDA)

Ayon kay Domingo, ang Sputnik V vaccines ay maaring gamitin sa may edad 18-taong gulang pataas.

Ang Sputnik V na ang ikaapat na COVID-19 vaccine na nakatanggap ng EUA mula sa FDA kasunod ng Pfizer, AstraZeneca at Sinovac.

Inaprubahan din ang Sputnik V sa 51 na mga bansa kabilang ang Mexico, Iraq, Myanmar, at Sri Lanka.

Plano naman ng bansa na bibili ng 20 milyong dosis ng Sputnik V.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.